Tinamaan ng dengue sa North Cotabato, 415 na
Ang pinakabatang naapektuhan ng dengue ay sanggol pa at ang pinakamatanda ay 93-taong gulang. Tatlo naman ang naiulat na nasawi dahil sa komplikasyon ng dengue mula sa mga bayan ng Makilala at Mlang.
Patrice Coppee/AFP
Tinamaan ng dengue sa North Cotabato, 415 na
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - June 16, 2020 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Umaabot na sa 415 katao ang tinamaan ng dengue sa North Cotabato.

Ito ay base sa hu­ling report Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) kung saan ang nasabing datos ay mula buwan ng Enero hanggang kahapon, buwan ng Hunyo.

Ang pinakabatang naapektuhan ng dengue ay sanggol pa at ang pinakamatanda ay 93-taong gulang. Tatlo naman ang naiulat na nasawi dahil sa komplikasyon ng dengue mula sa mga bayan ng Makilala at Mlang.

Ang may pinakamaraming kaso ng dengue ay sa bayan ng Matalam na may 42 cases; Libu­ngan, 40 at Kidapawan City, 40.

Sinabi ni Dr. Philbert Malaluan, taga­pagsalita na wala namang clustering ng mga kaso. Gayunman, iniimbestigahan na ng Integrated Provincial Health Office ang umano’y 13 kaso sa Kidapawan City nitong nakaraang linggo.

Samantala, bumaba naman sa 87% ang kaso ng dengue sa probinsiya kung ikumpara sa kaparehong panahon ng nakaraang taon na umaabot sa 2,870 na kaso.

Payo ng mga eksperto ang “4S strategy” sa pagsugpo ng mga lamok na nagdadala ng dengue tulad ng--“Suyuin at sirain ang mga pinamumugaran ng mga lamok”, “Sarili ay protektahan laban sa lamok ie lotions, spray repellents; “Sumangguni agad sa pagamutan at ospital kung may sintomas ng dengue” at “Sumuporta sa fogging at spraying.”

DENGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with