Post-validation ng mga ESP beneficiaries, isinasagawa
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - June 15, 2020 - 12:00am

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Nagsasagawa ng post-validation ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Bulacan Extension Office sa mga nakatanggap ng Emergency Subsidy Program o ESP.

Ayon kay DSWD Bulacan Institutional Partnership Development Officer Nie Lady Gianina Cacanindin, layunin ng post-validation na suriin kung karapat-dapat ang benepisyaryo at kung walang duplikasyon sa natanggap na ayuda ng isang pamilya. 

Aniya, magbabase sila sa certified list ng mga benepisyaryo sa pagbibigay ng 2nd tranche ng ESP. Ito ang pinal na listahan matapos ang pagsasagawa ng post-validation sa mga nakatanggap ng ayuda. 

Isinasagawa ang balidasyon sa pamagigitan ng physical validation o pagpunta sa bahay ng benepisyaryo at remote validation o ibang pamamaraan na hindi kailangang magpunta sa bahay gaya ng pagtawag sa cellphone o pag-email at computer algorithm o pagsusuri sa impormasyon ng benepisyaryo sa Social Amelioration Card form.

Bukod dito, magsusumite rin ang Social Security System, Department of Labor and Employment, Department of Agriculture, Land Transportation Franchising and Regulatory Board at iba pang ahensya ng listahan ng kanilang benepisyaryo sa DSWD upang i-cross match ang impormasyon ng mga nakatanggap ng ayuda.

Tatanggalin sa certified list ang hindi kuwalipikado at nakatanggap ng higit sa isang tulong-pinansyal mula sa DSWD at iba pang ahensya ng gobyerno.  Hindi na rin muling makatatanggap ng 2nd tranche ng ayuda ang benepisyaryong napag-alamang hindi kuwalipikado at nakatanggap ng higit sa isang ayuda.

DSWD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with