12 opisyal, kawani ng 2 developers kinasuhan sa pagputol ng 45 pine trees
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines  - Isi­nam­pa ng piskalya kamakalawa ang kasong kriminal laban sa 12 opisyal at kawani ng dalawang real estate developer na umano’y sadyang nilason hanggang mamatay ang 45 na pine trees sa Baguio City kamakalawa.

Sinabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na nilabag ng Gateluck Corporation at Greatzone Enterprises ang Environment Code ng lungsod na nagbabawal ng sadyang pagkitil sa mga pamosong nilang pine tree.

Ayon kay Magalong, nakitaan ng piskalya ng ebidensiya ang ginawang pagbutas at pagsaksak ng lason ng mga kawani ng dalawang developers sa mga puno sa kahabaan ng Legarda road.

Ito ay upang unti-un­ting mamatay ang mga puno na nagsisilbing ba­lakid sa proyekto ng dalawang kompanya.

Sinabi ni Magalong na may halos P1 milyon na halagang danyos ang inabot dulot ng pagkakasira ng mga puno.

BENJAMIN MAGALONG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with