^
Tulakâ bulagta sa buy-bust
Napuruhan sa kata­wan at agad nasawi ang suspek na si Rolando Nieves habang ang tar­get ng buy-bust ope­ra­tion na si Manuel Ma­rasigan Jr., ng Brgy. Bi­nogsacan na itinutu­ring na high value target (HVT) ay sugatang naka­takas.
STAR/ File

Tulak’ bulagta sa buy-bust

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - June 10, 2020 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Bulagta ang isang tulak ng droga ha­bang sugatang nakatakas ang kanyang kasama matapos silang pumalag sa buy-bust operation ng pulisya sa Purok-1, Brgy. Inascan, Guinobatan, Albay kamakalawa ng hapon.

Napuruhan sa kata­wan at agad nasawi ang suspek na si Rolando Nieves habang ang tar­get ng buy-bust ope­ra­tion na si Manuel Ma­rasigan Jr., ng Brgy. Bi­nogsacan na itinutu­ring na high value target (HVT) ay sugatang naka­takas.

Sa ulat, dakong alas-4:15 ng hapon, inilatag ang buy-bust operation ng mga pinagsamang operatiba ng Provincial Intelligence Branch, Albay Mobile Force Com­pany at Guinobatan Po­lice ma­karaang magpositibo ang pagtutulak ng droga ng dalawang suspek sa lugar na hindi tumigil kahit may community qua­rantine ang bayan.

Gayunman, habang ginagawa ang transak­syon ay nahalata ng mga suspek na peke ang gi­namit na pera na pambili sa kanila ng droga kaya sila pumalag at nakipagbarilan sa mga pulis. Tumimbuwang si Nieves. sa barilan habang nasu­gatan pero nakatakas ang kanyang kasama.

Nakuha sa suspek ang isang malaking sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P12,000 at ang boodle money na ginamit sa buy bust mo­ney. Hindi naman nabawi ang ginamit na baril ng dalawa sa pakikipagba­rilan sa mga pulis.

HIV
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with