Makikita sa file photo na ito ang isang ambulansya.
The STAR/Joven Cagande, File
Driver na napagkamalang may sakay na COVID-19 patients binaril sa Quezon
(Philstar.com) - April 3, 2020 - 7:39pm

MANILA, Philippines — Isang nagmamaneho ng ambulansya sa probinsya ng Quezon, na frontliner sa laban kontra coronavirus disease (COVID-19), ang nabaril sa kamay matapos pagbintangang naglilipat ng mga positibo sa naturang virus.

Sa statement ng Peter Paul Medical Center of Candelaria Inc., marahas na inatake ang driver Martes ng gabi habang naghahapunan bago magtrabaho.

Aniya, ipinipilit ng suspek na huwag hayaang makapasok sa subdivision ang ambulansya, sa pagaakalang may dala itong mga pasyenteng nakahahawa.

Hinarang at binaril sa kamay ng suspek ang biktima kahit na health workers lang ang kanyang inihahatid. Dahil dito, injured ang isa sa kanyang mga daliri kung kaya't maaaring nagkaroon siya ng "possible disarticulation."

Giit pa ng driver, regular na dini-disinfect ang minamanehong sasakyan.

Giit ng PPMCCI, breadwinner ng pamilya ang driver ng ambulansya, na piniling maglingkod kahit lampas 3,000 na ang positibo sa COVID-19.

Iniulat na raw ng ospital ang insidente sa Candelaria Police Station, at humingi ng katarungan para sa krimen.

'Protektahan ang frontliners'

Nakiusap din ang PMMCCI sa publiko na intindihin at makipagkapwa-tao sa mga frontliners na tumutugon lang daw sa tawag ng tungkulin.

"Isa sa humahadlang sa pagkalat ng virus at kamatayan kaugnay ng COVID-19 ang ating mga frontliners. Hindi sapat na pasalamatan sila. Dapat silang protektahan," dagdag ng statement.

Ilang linggo pa lang ang nakalilipas nang kundinahin ng Department of Health ang ginawang pagkuyog ng lima katao sa isang nurse sa Sultan Kudarat, na tinapunan ng bleach sa mukha

"Hindi dapat kinukunsinti ang mga ganito. Minomobilisa na ang mga kawani namin para matiyak ang mga detalye at mapanagot ang mga may kagagawan nang maisumbong sa Inter-Agency Task Force on COVID-19," saad ng DOH. — James Relativo at may mga ulat mula kina Kristine Joy Patag at Gaea Katreena Cabico

AMBULANCE DRIVER FRONTLINER NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with