Nabatid na ang mga barkong MV Everwin Star 4 at MV Saverstar na may kargang mga graba ay nagmula sa La Union habang sinisiyasat pa ng mga imbestigador ang patu­tu­nguhan sana ng mga ito. Dumaong ang dalawang barko nang wala umanong abiso o pahintulot.
KJ Rosales/File
2 cargo vessels biglang dumaong sa norte, sinisiyasat sa coronavirus
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - March 19, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Isinailalim ng mga awtoridad sa pagsusuri sa posibleng sakit na COVID-19 ang anim na tauhan ng dalawang cargo vessels na biglang dumaong sa baybayin ng Brgy. Sabang, Cabugao, Ilocos Sur noong Lunes.

Ayon kay P/Staff  Sergeant Arbie Siruno, ang anim na crew ay nasa kustodya na ng Philippine Coast Guard.

Ayon kay Sirino, isa sa anim lamang ang nadatnang nakababa na sa barko dakong alas-2:45 ng hapon, ilang oras bago idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Nabatid na ang mga barkong MV Everwin Star 4 at MV Saverstar na may kargang mga graba ay nagmula sa La Union habang sinisiyasat pa ng mga imbestigador ang patu­tu­nguhan sana  ng mga ito. Dumaong ang dalawang barko nang wala umanong abiso o pahintulot.

Ipinaliwanag naman ng mga tauhan ng cargo vessels na napilitan lamang silang dumaong sa lugar dahil sa masamang panahon.

Nagsasagawa na ang mga health autho-rities ng eksaminasyon sa mga crew upang mabatid kung klaro o nagtataglay sila ng virus at tinitingnan na ng pulisya ang mga papel at permit ng dalawang cargo vessels na umano’y rehistrado sa Pilipinas.

CARGO VESSEL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with