Sinabi ni PRO-13 Director, Brig. Gen. Jose­lito Esquivel Jr., ng Veruela, Agusan del Norte, inihahanda na nila ang kaso laban sa 29-anyos na pastor na pansamantalang di pinangalanan, residente ng Brgy. Binucayan, Loreto, Agusan del Sur.
STAR/File
Pastor nagkalat ng fake news sa COVID-19, kakasuhan
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - March 19, 2020 - 12:00am

BUTUAN CITY, Philippines — Dahil sa pagkakalat ng fake news tungkol sa COVID-19, isang pastor ang kakasuhan ng mga awtoridad sa Agusan del Sur.

Sinabi ni PRO-13 Director, Brig. Gen. Jose­lito Esquivel Jr., ng Veruela, Agusan del Norte, inihahanda na nila ang kaso laban sa 29-anyos na pastor na pansamantalang di pinangalanan, residente ng Brgy. Binucayan, Loreto, Agusan del Sur.

Ayon kay Esquivel, nag-post sa Facebook ang pastor tungkol sa da-lawang positibong kaso sa COVID-19 sa Brgy. San Gabriel at Sta. Emilia subalit sa kanilang pagbeberipika, lumilitaw na walang katotohanan ang post ng pastor.

Mahaharap ang pastor sa kasong paglabag sa Article 154 of the Revised Penal Code o ang “Unlawful Use of Means of Publication and Unlawful Utterances” in relation to Section 6 of Republic Act 10175 o ang Anti-Cybercrime Law.

COVID-19 FAKENEWS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with