Cotabato naka-preemptive lockdown
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - March 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Simula kahapon ay magiging epektibo na ang Executive Order Number 21 ng Provincial Government ng Cotabato na isailalim sa preemptive lockdown ang buong probinsya.

Sa naging pana­yam kay North Cota­bato Governor Nancy Catamco, sinabi nito na idineklara ang preemptive lockdown matapos na may nagpositibo sa COVID 19 sa kalapit na lungsod ng Cotabato at Cagayan De Oro City.

Sa naturang EO, pinapayuhan ang mga residente lalo na ang may edad 17-anyos pababa na manatili sa mga tahanan at huwag nang lumabas o guma­la, lahat ng mga may travel abroad o sa Metro Manila ay kailangang magparehistro sa mga health care centers at mag-self quarantine.

Ang mga hindi residente ng probinsya ay pinagbabawalang pumasok maliban lang sa mga nagde-deliver ng basic goods and servi­ces, pagkain, medical supplies at iba pang basic commodities. Hindi rin papayagang makapasok ang mga turista. Pinapayuhan din ang mga turista na hanggang sa ngayon ay nasa probinsya na kung maaari ay agad na lisanin ang lalawigan.

Suspendido na rin ang pasok sa lahat ng antas ng paaralan sa probinsya. Lahat ng mga business establishment ay pinapayuhang magsara maliban lang sa public market, supermarket, grocery store, veterinary services, hardware, food preparation delivery services, water refilling stations, bangko, money transfer services, energy servi-ces at telecommunication facilities. 

COTABATO PREEMPTIVE LOCKDOWN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with