_ngayon
^
Cellphone nagliyab, boarding house nasunog
Natukoy ang sunog na nagmula sa nagliyab na gadget na nag-init matapos naiwang naka­saksak nang bumalik ang kuryente sa naturang lugar dakong alas-2:00 ng hapon makaraang magkaroon ng brownout.
STAR/File

Cellphone nagliyab, boarding house nasunog

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines — Mahi­git P1-milyong halaga ng mga ari-arian ang napinsala nang masunog ang isang boarding house sa Barangay Centro 2, Sanchez Mira, Cagayan dahil sa napaba-yaang nire-recharge na cellphone kamakalawa.

Ayon sa report, ang bahay ay pag aari ni Glenn Macalma, 49. 

Natukoy ang sunog na nagmula sa nagliyab na gadget na nag-init matapos naiwang naka­saksak nang bumalik ang kuryente sa naturang lugar dakong alas-2:00 ng hapon makaraang magkaroon ng brownout.

Ang sunog ay napansin ni Brgy. Chairman Andrew Paga­ya­tan nang makitang nagsisigawan at nagtatakbuhan ang mga nakatira sa bahay kaya agad nitong tinawag ang mga Kagawad ng pamatay-sunog.

Idineklara ang fire-out sa lugar makalipas ang isang oras.

CELLPHONE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with