to ang kinumpirma ni Dr. Pancho Mella, veterinary officer ng Albay makaraang dumating ang resulta sa laboratory test sa ipinadala nilang bahagi ng kinatay na baboy na nagmula sa Brgy. Sto. Domingo sa Bombon, Camarines Sur kung saan nagsimula ang ASF sa Bicol.
STAR/ File
Albay napasok na rin ng ASF
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2020 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Philippines - Positibo sa African Swine Fever (ASF) ang naging resulta sa pagsusuri sa ipinadalang organ sample sa Animal Disease Diagnostic Laboratory ng Bureau of Animal Industry sa Maynila mula sa limang baboy na nagmula sa Camarines Sur at naaktuhang kinakatay sa slaughter house sa Brgy. Kilicao sa bayan ng Daraga, Albay noong isang linggo.

Ito ang kinumpirma ni Dr. Pancho Mella, veterinary officer ng Albay makaraang dumating ang resulta sa laboratory test sa ipinadala nilang bahagi ng kinatay na baboy na nagmula sa Brgy. Sto. Domingo sa Bombon, Camarines Sur kung saan nagsimula ang ASF sa Bicol.

Inamin ni Mella na nakalusot ang mga baboy bago pa pumutok ang balita ng kontaminasyon ng ASF sa bayan ng Bombon noong Pebrero 18 at kinatay noong Pebrero 23.

Agad na isinailalim ng lokal na pamahalaan sa total meat lockdown ang mga barangay sa paligid ng slaughter house at isinailalim ang lahat ng mga baboy sa limang mga barangay 1-kilometro ang layo mula sa paligid mula slaughter house sa Brgy. Kilicao, Malobago, Binitayan, Alcala at Tagas.

Kumuha na rin ng blood samples sa mga baboy sa paligid upang malaman kung apektado na rin ng virus.

Ipinasara na ni Mayor Victor Perete ang kanilang slaughter house habang mas lalong hinigpitan ang pagbabantay ng mga kasapi ng Task Force ASF sa mga entry points sa mga Brgy. Salvacion at Villahermosa upang hindi na kumalat pa ang virus sa buong lalawigan.

Sinabi ni Perete na mala­king dagok sa industriya ng pagbababoy sa kanilang bayan ang pagpasok ng nasabing sakit ng hayop.

ASF PANCHO MELLA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with