Noong Oktubre 2019, sinimulan ang pagpapatupad ng total ban sa pagpasok ng live hogs, pork at formulated swine feeds sa lalawigan ng Batangas.
STAR/ File
ASF nakalusot sa Batangas, 5,000 baboy piñata
Arnell Ozaeta (Pilipino Star Ngayon) - March 1, 2020 - 12:00am

BATANGAS, Philippines  Nakapasok na sa lalawigan ng Batangas ang African Swine Fever (ASF) partikular sa bayan ng Laurel na unang nasalanta sa pagsabog ng bulkang Taal. 

Kinumpirma ng Provincial Veterinarian Office sa pamamagitan ng Advisory No. 2020-02 na inilabas noong Biyernes, ika-28 ng Pebrero, matapos magpositibo ang laboratory test na isinagawa sa Animal Disease Diagnostic and Reference Laboratory ng Bureau of Animal Industry.

Ayon kay ASF focal person Dra. Krisel Ann Ragas, tinatayang 500 backyard growers ang apektado sa Brgy. Molinete sa Laurel at nasa 5,000 baboy ang kinakailangang isailalim sa “culling” o pagpatay.  

Mahigit 900 nang baboy ang napatay habang isinusulat ang balitang ito. 

Ipinag-utos na ni Batangas Gov. Hermilando Mandanas ang activation ng ASF Task Force sa lahat ng lungsod at munisipalidad sa lalawigan upang mapalakas ang border control at biosecurity measures at maiwasan ang pagkalat ng ASF. 

Noong Oktubre 2019, sinimulan ang pagpapatupad ng total ban sa pagpasok ng live hogs, pork at formulated swine feeds sa lalawigan ng Batangas. 

Ang lalawigan ng Batangas ang isa sa may pinakamala­king produksyon ng baboy sa buong bansa.  

Ayon sa 2018 Swine Situation Report ng Philippine Statistics Authority, mahigit sa 174,000 metric tons ang produksyon ng Batangas, ikalawa sa pinakamalaking produksyon kasunod ng Bulacan na nagtala ng mahigit 259,000 metric tons.

ANIMAL DISEASE DIAGNOSTIC AND REFERENCE LABORATORY ASF
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with