Kinilala ang mga biktima na sina Rozalie Soldevilla, 35; Raquel Soldevilla, 42; Rodolfo Soldevilla, 70; pawang taga-Tabuk City, Kalinga at Joseph Dumlao, 33, driver ng kotseng Mitsubishi Mirage (NCS 5879) na sinakyan ng mga biktima. Sila ay kapwa idineklarang dead-on-arrival sa Gumaca District Hospital.
STAR/File
Kotse at cargo truck nagsalpukan: 4 dedo
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Apat katao ang na­sawi habang isa ang malubhang nasuga­tan nang salpukin ng isang kotse ang kasalubong na cargo truck sa malagim na trahedya sa Brgy. Panikihan, Gumaca, Quezon nitong Biyernes   ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Rozalie Soldevilla, 35; Raquel Soldevilla, 42; Rodolfo Soldevilla, 70; pawang taga-Tabuk City, Kalinga at Joseph Dumlao, 33, driver ng kotseng Mitsubishi Mirage (NCS 5879) na sinakyan ng mga biktima. Sila ay kapwa idineklarang dead-on-arrival sa Gumaca District Hospital.

Nilalapatan naman ng lunas ang nasu-gatang kapamilya ng tatlo sa mga nasawi na si Roxanne Soldevilla, 25-taong gulang.

Sa ulat ni P/Colonel Audie Madridejos, habang bumabagtas sa Maharlika Highway ang Mitsubishi Mirage na sinasakyan ng mga biktima na patungong Maynila nang makabanggaan ang kasalubong na Isuzu cargo truck (RGC 417) na mi­namaneho ni William Pelareja.

Lumilitaw sa im-bestigasyon na inokupa ng kotse na matulin ang takbo ang kabilang linya na humantong sa banggaan matapos na mabulaga ang driver ng truck.

AKSIDENTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with