Nakadapa nang matagpuan ang katawan ng biktimang si Rolando Villajuan, ng Brgy. West Pob­lacion, Pantabangan ng kanyang kasamahang katiwala na si Jun-Jun Fulgar, 29-anyos, binata ng nasabing lugar.
STAR/File
62-anyos caretaker inatake ng baboy ramo, patay!
Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - February 29, 2020 - 12:00am

NUEVA ECIJA, Philippines — Patay na nang matagpuan ang isang 62-anyos na farm caretaker makaraang maubusan ng dugo nang atakihin ng isang baboy ramo sa KM 6, Brgy. Malbang, Pantaba-ngan, dito sa lalawigan noong Huwebes ng hapon.

Nakadapa nang matagpuan ang katawan ng biktimang si Rolando Villajuan, ng Brgy. West Pob­lacion, Pantabangan ng kanyang kasamahang katiwala na si Jun-Jun Fulgar, 29-anyos, binata ng nasabing lugar.

Ayon sa pulisya, bandang alas-4:30 ng hapon papasok sa gate ng farm ng isang “Judge Largo” si Fulgar upang kumuha ng kugon, ngunit nagitla siya nang makakita ng mantsa ng dugo sa gate.

Sinundan umano niya ang bakas ng dugo hanggang sa makarating siya sa kanilang barracks at doon na tumambad sa kanya ang nakadapang biktima at naliligo sa sariling dugo. Agad na humingi ng tulong sa awtoridad si Fulgar.

Sinabi ng sumuring doktor na maaaring inatake ang biktima ng isang mabagsik na hayop tulad ng baboy ramo. Nakitaan ng 3-pulgadang mga sugat ang biktima sa kaliwang binti nito habang ang kanang binti ay nagtamo ng mga gasgas at pasa.

Sa ocular inspection ng pulisya sa nasabing farm, kanilang nakita ang isang baboy ramo na may 3-pulgadang pangil na maaaring iyon ang ipinansuwag sa matanda at nakapatay rito. 

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with