Tumilapon sa ere ang tinderang si Imelda Bustamante at lumagpak sa palayan matapos mawalan ng kontrol sa pagmamaneho ng motorsiklo sa Brgy. Lakambini, Tuao, Cagayan. Siya ay dead-on-arrival sa ospital.
STAR/File
Tindera, 3 pa todas sa road mishap
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - February 29, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Mananatili na lamang sa alaala ng kanyang mga suki ang isang 48-anyos na tindera ng fishball at tatlo pang mister na magkakasabay namatay dahil sa magkakahiwalay na aksidente ng motorsiklo sa Cagayan at Ilocos Sur kamakalawa. 

Tumilapon sa ere ang tinderang si Imelda Bustamante at lumagpak sa palayan matapos mawalan ng kontrol sa pagmamaneho ng motorsiklo sa Brgy. Lakambini, Tuao, Cagayan. Siya ay dead-on-arrival sa ospital.

Sa Abulug, Cagayan, pisak si Joseph Corpuz nang magulungan ng trak na minamaneho ni Abel Agustin, 26, sa Brgy. Libertad.

Sa ulat ng pulisya, dumausdos si Corpuz nang makasagasa ng aso at naiwang nakahilata sa gitna ng kalsada na siya namang pagdaan ng trak kaya siya nagulungan. Masuwerte namang sa gilid ng kalsada gumulong ang mga angkas ni Corpuz na sina Engelbert Guiang at John Paul Talaro kaya hindi napuruhan.

Isinailalim sa kustodya ng mga awtoridad ang drayber ng trak matapos ang sakuna. 

Sa Ilocos Sur, nakipagtipan kay kamatayan ang empleyado ng bangko na si Radolfo Dalit at rider na si Efren Jimenez nang magkasunod na sumalpok sa pader ang kanilang motorsiklo sa Brgy. Burgos, Sta. Lucia at Brgy. San Sebastian, San Vicente.

ROAD MISHAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with