Bandang alas-5:35 ng hapon nitong Huwebes nang maaresto si Madrona sa entrapment operation sa isang cockpit arena sa Brgy. Mansilingan, Bacolod City sa aktong tumatanggap umano ng P5,000 cash mula sa nagreklamong may-ari ng Ztrip Zone KTV Bar sa lungsod. Arestado rin ang kasabwat ni Madrona na si Jay-R dela Cruz, isang handler ng mga panabong na manok.
STAR/File
Hepe ng CIDG-Bacolod timbog sa pangingikil
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga ope­ratiba ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Bacolod City matapos na ireklamo ng extortion ng isang KTV bar sa isinagawang entrapment operation sa Neg­ros Occidental kama-kalawa ng hapon.

Kinilala ni PNP-IMEG Director P/Col. Ronald Oliver Lee ang nasakoteng si P/Major Melvin Madrona, aktibong hepe ng CIDG-Bacolod City.

Bandang alas-5:35 ng hapon nitong Huwebes nang maaresto si Madrona sa entrapment operation sa isang cockpit arena sa Brgy. Mansilingan, Bacolod City sa aktong tumatanggap umano ng P5,000 cash mula sa nagreklamong may-ari ng Ztrip Zone KTV Bar sa lungsod. Arestado rin ang kasabwat ni   Madrona na si Jay-R dela Cruz, isang handler ng mga panabong na manok.

Si Madrona ay inireklamo ng pangingikil ng P5,000 protection money kada linggo sa mga may-ari ng KTV bar sa Bacolod City upang magpatuloy ang kanilang operasyon.

Lumalabas na si­nalakay ng CIDG ope­ratives noong Peb. 8 bandang alas-11 ng gabi ang nasabing bar sa Bacolod City at dinala sa kanilang himpilan ang negosyanteng may-ari nito, mga empleyado at kustomer na Hapones.

 Gayunman, pinalaya kinabukasn ang mga dinakip nang walang naisasampang kaso at tinakot umano ang may-ari na sasalakayin ang establisyemento kapag hindi nagbigay ng P5,000 protection money na kanilang kokolektahin tuwing Huwebes kada linggo. Samantalang pinagbayad umano ni Madrona ang kinokotongan nitong negosyante ng kanilang travel expenses at hotel accommodation.  

CIDG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with