^

Probinsiya

Rider, lola lasog sa motor

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Kapwa patay ang isang rider at isang lola matapos ang aksidente sa kalsada ng Purok-1, Brgy. Cabusay, Labo, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Pareho pang isinugod sa Camarines Norte Provincial Hospital sa bayan ng Daet ang rider na si Aljean Neri Balon, 27, ng Brgy. Malasugui at ang tumatawid sa daan na si Delia Denum Necio, 65-anyos, ng nasabing barangay pero kapwa idineklarang patay.

Sa ulat, dakong alas-6:50 ng gabi habang mabilis na binabagtas ni Balon lulan ng walang plakang Yamaha motorcycle ang nasabing lugar nang mabundol nito ang patawid na si Necio.

Sa lakas ng pagkakabangga, parehong tumilapon sa kalsada ang rider at matanda na agad namang sinaklolohan at dinala sa pagamutan pero parehong hindi na umabot nang buhay.

vuukle comment

AKSIDENTE

MOTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with