^

Probinsiya

3 bata patay sa sunog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3 bata patay sa sunog
Ang nasawing mga biktima ay kinabibila­ngan ng isang 8-anyos na batang babae at da­lawa nitong kapatid na may edad 4 at 3 taong gulang.
Miguel de Guzman/File

Nakulong sa nakakandadong bahay

MANILA, Philippines — Tatlong bata ang nasawi makaraang aksiden­teng makulong ng apoy sa loob ng nasusunog nilang tahanan sa Brgy. Camanga, Dumalinao, Zamboanga del Sur Huwebes ng umaga.

Dakong alas-9 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Purok Talaba, Brgy. Camanga, Du­ma­linao ng lalawigang ito.

Ang nasawing mga biktima ay kinabibila­ngan ng isang 8-anyos na batang babae at da­lawa nitong kapatid na may edad 4 at 3 taong gulang.

 Ang nasunog na tahanan, ay pag-aari nina Bimbo Bitzusa at Maritess Bitzusa na naiwan ang mga anak na walang kasama.

 Sa pahayag ng kapitbahay ng mga biktima, nagulantang na lamang sila ng makitang nila­lamon ng apoy ang tahanan ng mag-asawang Bit­zusa kung saan nakapad-lock sa loob nito ang mga bata.

 Nabigo namang mailigtas ang mga bata dahilan nababalutan na ng apoy ang buong kabahayan.

 Sinabi ni Fire Inspector Dionisio Cayudong na naapula ang sunog bandang alas-9:37 ng umaga­.

Isinasailalim pa sa masusing imbestigas­yon ang kasong ito upang matukoy ang pinag­mulan ng sunog.

vuukle comment

PATAY

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with