^
Nasa 50 ektarya ng kagubatan ânakalboâ ng forest fire
Ang Atok ay ikali­mang bayan sa Benguet na sinalanta ng wildfire na nagsimula noong Peb. 11 sa Sitio Buloc, Adaoay hanggang Barangay Eddet sa Kabayan.
Photos courtesy of Eliza Consul and Lt. Col Alan Macatingrao/File

Nasa 50 ektarya ng kagubatan ‘nakalbo’ ng forest fire

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - February 28, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines — Mahigit 50 ektaryang kagubatan ang nasunog sa panibagong forest fire sa Atok, Benguet habang naapula na ang apoy sa pinakahuling sunog sa Sitio Mawini, Duacan sa Kabayan ng nasabing lalawigan kahapon (Huwebes).

Ayon kay Senior Fire Officer 1 Paul Guma­ngan ng Bureau of Fire Protection sa Atok; bu­kod sa 50 ektaryang na­­tupok sa Barangay­ Englandad ay 15 ek­tarya naman ang nasira sa Barangay Topdac nitong nagdaang apat na araw.

Ang Atok ay ikali­mang bayan sa Benguet na sinalanta ng wildfire na nagsimula noong Peb. 11 sa Sitio Buloc, Adaoay hanggang Barangay Eddet sa Kabayan.

Ang sunog ay nagtuloy pa sa paligid ng Mt. Pulag sa Bokod, Kibungan at Tublay.

Gayunman, ang su­nog naman sa Sitio Mawini, Duacan sa bayan din ng Kabayan ay idineklarang Fire Out na ni SFO4 Hilario Caniedo ng BFP  kahapon (Huwebes).

BENGUET FOREST FIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with