Pastor na kagawad, itinumba
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang pastor makaraang pag­babarilin ng apat na hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan­ sa Brgy. Camindangan, Sipalay City, Negros Oc­­cidental kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Pastor Lonie La­hao-Lahao, 54, ng Church of the Living God at Kagawad sa Brgy. Camandangan ng lungsod.

Sa report ni Lt. Col. Neceraro Sabando, Officer-in-Charge (OIC) ng Sipalay City Police, nangyari ang insidente habang ang biktima at misis nito ay lulan ng tricycle pauwi na sa ka­nilang tahanan.

Ayon sa opisyal, hi­­narang ng mga arma­dong salarin ang tricycle na sinasakyan ng biktima at agad na pinagbabaril ng mga suspect ang target na pastor. Mabilis namang tumakas ang mga sa­larin matapos ang isi­nagawang krimen.

Patuloy naman ang masusing imbes­tigas­yon sa krimen kung saan kabilang sa sinisilip na motibo ay pulitika at personal na galit.

KAGAWAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with