Ayon kay Fire Officer 1 Edilberto Naisod Jr. ng Kabayan Bureau of Fire Protection, nag-umpisang lumagablab ang apoy dakong alas-3:30 ng hapon, isang araw matapos maapula ng ulan ang sunog sa karatig na Brgy. Eddet noong Linggo.
STAR/Jonathan de Santos, file
Wildfire sa Mt. Pulag muling sumiklab
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Bagama’t naapula ng ulan ang forest fire sa pamosong Mt. Pulag noong Linggo; muli na namang sumiklab dito ang apoy sa bahagi ng Brgy. Duacan sa Kabayan, Benguet nitong Martes hanggang kahapon.

Ayon kay Fire Officer 1 Edilberto Naisod Jr. ng Kabayan Bureau of Fire Protection, nag-umpisang lumagablab ang apoy dakong alas-3:30 ng hapon, isang araw matapos maapula ng ulan ang sunog sa karatig na Brgy. Eddet noong Linggo.

Ayon kay Naisod, manu-manong nagtutulungan ang mga kagawad ng BFP, pulisya at mamamayan na maapula ang sunog sapagkat hindi makapasok ang kanilang mga firetrucks sa lugar. Gayunman, sinabi na Naisod na papalayo na sa direksyon ng Mt. Pulag ang sunog.

Kasabay ng sunog sa Duacan ang wildfire sa Brgy. Madaymen sa karatig bayan ng Kibungan na pilit na inaapula pa rin ng mga awtoridad at mamamayan habang isinusulat ang report na ito.

MT.PULAG WILDFIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with