Kinilala ni P/Lt. Reynaldo Sotelo, hepe ng investigation section ng Koronadal City Police ang suspek na si Paul John Membrado, 19, kamag-anak ng isa sa mga biktima na si Erlinda Aquino.
STAR/File
‘Killer’ ng mag-asawang retirado, timbog
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2020 - 12:00am

Pumatay para sa 13-anyos na GF

NORTH COTABATO, Philippines — Naaresto na ang umano’y responsable sa pagpatay sa mag-asawang retirado sa ikinasa ng pulisya na hot pursuit operation sa Purok Cabaylo, Brgy. San Roque, Koronadal City nitong Martes.

Kinilala ni P/Lt. Reynaldo Sotelo, hepe ng investigation section ng Koronadal City Police ang suspek na si Paul John Membrado, 19, kamag-anak ng isa sa mga biktima na si Erlinda Aquino.

Ayon kay Sotelo, isa si Membrado sa mga trabahador ng mag-asawang sina Arturo at Erlinda Aquino na kapwa natagpuang tadtad ng saksak at wala nang buhay sa kanilang tahanan noong Lunes ng umaga sa nasabing barangay.

Ayon sa suspek, wala siyang galit sa mag-asawa ngunit nagawa lamang umano niya ang krimen matapos siyang iwanan ng nobya at sinabihang makikipag-balikan lamang ito kung makakapatay siya ng tao.

Itinanggi naman ng 13-anyos na nobya ng suspek ang pahayag ng huli, sa halip ang dating boypren umano ang nagsabi na handa siyang pumatay para sa kanya nang maki­paghiwalay siya rito, apat na araw na ang nakararaan.

Narekober sa suspek ang dalawang kutsil­yo na isa rito ay ang pinaniniwalaang ginamit niya sa pagpatay sa mag-asawa.

HULI KILLER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with