Misis, 29 beses sinaksak ni mister bago nagbigti
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines — Karumal-dumal ang kamatayan ng isang 35-anyos na misis matapos na 29 beses na pagsasaksakin ng sari­ling mister na nagbigti rin kalaunan sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Salvador 2nd, Candon City, Ilocos Sur noong Martes.

Kinilala ni Candon City Chief of Police Lt. Colonel David Dulnuan ang ginang na si Bernadette Soriano na kinatay ng kanyang asawang si Raymund, 34 anyos.

Sa ulat, nabulabog umano ang mga kapitbahay nang magsisigaw ng saklolo si Bernadette dakong alas-12:30 ng tanghali.

Ayon kay Dulnuan, nadatnan ng mga sumaklolo si Bernadette na nakahandusay at naliligo sa sariling dugo sa loob ng kanilang palikuran dahil sa tinamong 29 na saksak sa katawan.

Lumalabas na hiniram ni Raymund sa isa nilang kaanak ang kut­silyo na ginamit nito sa pagkatay sa misis.

Natagpuan naman si Raymund na nakabitin at lawit pa ang dila sa kisame gamit ang nylon na lubid matapos nitong tadtarin ng saksak ang asawa. Isinugod sa Candon General Hospital ang mag-asawa pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival.

Isa sa mga tinitingnang anggulo ng mga imbestigador sa krimen ay ang umano’y matinding pag-aaway dahil sa suliranin sa pera ng mag-asawa.

MISIS SAKSAK
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with