Parak tigok sa sariling boga
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang pulis makaraang aksidenteng pumutok ang baril nito na sumapol sa kanyang ulo sa San Pedro Police Station (PS) 2 sa lungsod ng Davao nitong Martes ng gabi.

Kinilala ni Davao City Police Director Col. John Kirby Kraft ang nasawing pulis na si Staff Sergeant Renante Dapa Mercado, nakatalaga sa nasabing himpilan.

Sa phone interview, sinabi ni Kraft na aksidenteng nahulog ang Glock 17 service pistol  ni Mercado habang nakaupo siya sa kanyang mesa kung saan pumutok ang baril at tumama sa ulo nito ang bala na siya nitong agarang ikinasawi.

Ayon kay Kraft, narinig pa ng mga kasamahang pulis ang isang malakas na putok ng baril at nang pumasok sila sa loob ng himpilan ay tumambad ang nakabulagtang biktima at duguan.

Sinabi ni Kraft na ang pagkamatay ni Mercado ay harinawang magsilbing aral sa mga pulis sa tama at pag-iingat sa paghawak ng kanilang mga armas upang maiwasang maulit pa ang insidente.

Dahil sa insidente, ipinag-utos ng opisyal na isailalim sa refresher course ang mga personnel nito sa responsible gun ownership seminar.

BARIL PARAK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with