Truck vs truck: Pahinante dedo
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2020 - 12:00am

CALAUAG, Quezon, Philippines — Patay agad ang pahinante ng isang dump truck makaraang makabanggaan ng kanyang sinasakyan ang kasalubong na tractor head truck na ikinasugat ng dalawang driver sa Maharlika Highway na sakop ng Barangay Sto. Domingo ng bayang ito kamakalawa ng umaga. Ang biktima na nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ay kinilalang si Mark Benedick Alvarez, 30, binata at residente ng San Miguel Bulacan. Ginaga­mot­­­ naman sa Magsaysay Dis­­trict Hospital sa Lopez, Quezon­ ang mga driver na sina Rey­naldo Salvador, 24, ng San Miguel Bulacan at Lito Mahilum ng Ta­guig City. Sa im­bestigasyon, patungo sa Metro Manila dakong alas-7:00 ng umaga ang tractor truck (BUF-850) ni Mahilum nang tumbukin ng dump truck (AGA-7001) ni Salvador mata­pos na mawalan ng kontrol sa manibela ang huli. Sa lakas ng banggaan, kapwa nawasak ang unahang bahagi ng dalawang trak na ikinaipit at agad ikinamatay ng biktimang pahinante.

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with