2 ‘tulak’ todas sa buy-bust
Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2020 - 12:00am

NUEVA ECIJA, Philippines — Dala­wang hinihinalang drug pusher ang patay makaraang manlaban at makipagbarilan umano sa mga kagawad ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Poblacion East II, Aliaga, dito sa lalawigan kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang dalawang na­patay na sina Joseph Mateo at Cris Franco Sanopo, kapwa nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Aduas, Cabanatuan City.

Ayon sa Aliaga Police, alas-2:07 ng madaling-araw, nagsagawa sila ng buy-bust ope­ration kasunod ng tinanggap na intelligence report na may bentahan ng droga sa lugar. Habang isinasagawa ang pa­litan ng droga at buy-bust money­ ay bigla umanong naka­­halata ang dalawang suspek at itinulak ang dalawang pulis­ na kanilang katransaksyon hang­­­­­gang sa bumunot ng kalibre .38 sa kanilang baywang at pinaputukan ang mga opera­tiba sanhi ng shootout. Tumimbuwang sa barilan ang dalawang suspek na kinumpirma ng Cabanatuan City Police na kabilang sa kanilang drug watchlist.

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with