3 na patay sa salpukan ng bus at van sa Cagayan
Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2020 - 12:00am

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Umakyat na sa tatlong katao ang nasawi habang nasa malubhang kalagayan pa rin ang 10 na iba pa matapos salpukin ng rumaragasang bus ang kanilang sinasakyang van sa Brgy. Langagan, Sanchez Mira, Cagayan nitong Linggo ng madaling araw.

Kamakalawa ng gabi nang bawian ng buhay sina Ronald Caoagas, 19, at Jonas Tagala, 13, habang inoobserbahan naman ang mga sugatang kamag-anak sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City. 

Kinilala ang unang nasa­wing biktima na si Edmundo Ringor, 72, na idineklarang dead-on-the-spot matapos salpukin ng GMW Florida bus ang kanilang sinasakyang Sta­rex van dakong alas-4:05 ng madaling araw.

Ang mga biktima na pa­wang magkakamag-anak at miyembro ng Union Esperi­tista Christiana De Filipinas Incorporada (UECFI) ay ga­ling sa vigil sa isa nilang kasamahan sa pananampalataya sa Brgy. Labben, Allcapan at pauwi na nang salpukin ng bus ang kanilang van pagsapit sa Sanchez Mira.

Sumuko naman ang driver ng bus na si Dexter Arsalem, 41, ng Ballesteros, Cagayan matapos ang insidente.

Nananawagan ang pa­milya ng mga biktima lalo na sa pamunuan ng bus na tulu­ngan sila sa pagpa­pagamot at pangangaila­ngang pinansiyal.

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with