^

Probinsiya

Lider ng robbery/gun-for- hire group, 2 pa timbog

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Natimbog ang umano’y lider ng kilabot na robbery­ at gun-for-hire group kasama ang dalawa pang kasapi nito sa isinagawang pagsalakay sa kanilang hideout sa Imus City sanhi ng pagkakasamsam ng matataas na kalibre ng armas at granada kamakalawa.

Kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina Ronilo En­drina, lider ng “Endrina Highway Robbery/Gun-For-Hire Group” at mga kasamang sina Renadro Rabino at Romeo Fernandez, pawang residente ng Brgy. Carsadang Bago 2, Imus City.

Ayon kay Cavite Provincial Director P/ Lt. Col. Marlon Santos, ikinasa ang raid ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDG)-Cavite; Amadeo, Kawit at Imus City Police dakong alas-3:00 hapon bitbit ang isang search warrant na inisyu ni Cynthia Marino-Ricablanca, executive judge ng RTC Branch 27 ng Sta. Cruz, Laguna laban kay Endrina sa Brgy. Carsadang, Bago II na nagresulta sa pagkakaaresto nito at dalawang kasama.

Ang grupo ng mga suspek ang responsable umano sa mga robbery, gun-for-hire at gunrunning activities sa Amadeo, Cavite at ang serye ng panghoholdap at rape sa Brgy. Loma, Amadeo, Cavite noong Nob. 29, 2019 at sa Binakayan, Kawit, Cavite noong Enero 28, 2020.

 

vuukle comment

GUN-FOR- HIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with