^

Probinsiya

Gumahasa, pumatay sa lady artist timbog

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Gumahasa, pumatay sa lady artist timbog
Regie Boy Calizar

CAVITE, Philippines — Hawak na ng Kawit Police ang isang security guard na suspek sa panggagahasa at pagpatay sa 29-anyos na lady artist na natagpuan na tadtad ng saksak sa loob ng kanilang bahay sa isang subdibisyon sa Kawit, dito sa lalawigan noong Biyernes.

Dakong alas-10:00 kahapon ng umaga nang maaresto ang suspek na si Regie Boy Calizar, 26, ng Block 3, Lot 28, Phase 2, Estarlla Homes, Brgy. Toclong, Kawit, Cavite habang pagala-gala sa Brgy. Sanja Major, Tanza, Cavite.

Si Estabillo ang itinuturong pumatay sa biktimang si Sarah Kaye Mindo, ng Block 3, Lot 28, Phase 2, Estralla Homes, Brgy. Toclong, Kawit.

Sa ulat ni P/SSgt. Nelvin Trajico, dakong alas-8:00 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima na tadtad ng saksak sa loob ng kanilang bahay.

Nabatid na paalis umano ng bahay ang bikima nang pasukin ng suspek.

Ayon kay Trajino, bago ang krimen, pinag-aralan ng suspek na guwardiya sa nasabing subdibisyon ang pagdating at pag-uwi ng biktima. Nang makakuha ng tiyempo ay pinasok niya ang biktima sa loob ng bahay nito saka ginahasa at pinatay.

Lumabas sa pagsusuri na positibo na hinalay ang biktima base sa semilyang nakuha sa ari ng huli.

Matapos ang krimen, nagtago ang suspek sa isang bahay na tinutuluyan ng mga guwardiya sa Tanza, Cavite subalit naaresto habang pagala-gala sa Brgy. Sanja Major, Tanza, Cavite.

 

vuukle comment

REGIE BOY CALIZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with