^

Probinsiya

Bus vs jeep: Guro dedo, 22 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinarit ni kamata­yan ang isang guro habang 22 pa katao ang nasu­gatan makaraang aksidenteng magbanggaan ang isang pampasaherong bus at kasalubong nitong jeepney sa Camalig, Albay kamakalawa.

Ang nasawi ay si Lea Paliangayan, 49, titser ng Marcial Rañola Memorial School sa Guinobatan, Albay habang nilalapatan ng lunas sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) ang mga sugatang sina Almyra Luces, 21;Angeline Luces, 21;Marianne Muyna, 13;Alfredo Olabiaga, 49; Michael Ribaya, 21; Alfredo Tupaz, 52;Thelma Tupaz, 48; Jeric Paredes, 40; Agripina Alpapara, 59; Joenelle Abaricia, 31; Ma. Emiliana Albaricia; Dexter Sotto, co-driver ng Raymond bus; Ramil Ragay, 46, konduktor ng bus at walong iba pa.

Sa ulat ni P/Major Dante Rosal, hepe ng Camalig Municipal Police, alas-5:50 ng hapon patungo sa Legazpi City ang pampasaherong jeepney (EVR974) na may walong pasahero na minamaneho ni Jeason Nual nang makasalubong at makasalpukan ang Raymond Bus Lines (NCI 3878) patungong Maynila na minamaneho ni Ranulfo Decano Jr. at may sakay ring mga pasahero pagsapit sa Maharlika Highway, Purok 2, Sitio Bascaran, Brgy. Libod. Tinangkang mag-overtake ng bus sa kasunod na sasakyan subalit nabulaga ito sa paparating na jeep sanhi ng salpukan. Dahil dito, nawalan ng kontrol ang bus kung kaya tumagilid at bumangga sa puno ng niyog. Naipit sa bus si Paliangayan na naging dahilan ng kamatayan nito.

Sa takot na mabugbog ng taumbayan, tumakas ang driver ng bus sa lugar pero dumiretso rin sa himpilan ng pulisya at sumuko. Jorge Hallare

vuukle comment

BUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with