^

Probinsiya

Mister inutas sa bar

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

RIZAL, Philippines — Bulagta ang isang lalaki nang pagbabarilin ng nag-iisang gunman habang nakaupo sa harapan ng isang KTV bar sa Antipolo City kamakalawa ng gabi. Ang biktima ay nakilala lang na si Edgar Bustamante, nasa hustong gulang, habang nakatakas ang nag-iisang suspek na hindi pa nakikilala ng mga awtoridad dahil nakasuot ito ng maskara nang isagawa ang krimen. Sa ulat ng Antipolo Police, dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang krimen sa harapan ng Playgirl KTV Bar sa Sumulong Highway, Brgy. Mayamot. Nakaupo lamang ang biktima sa harapan ng naturang bar, katabi ang isang testigo nang bigla na lang dumating ang suspek at kaagad na pinagbabaril ang una sa iba’t ibang bahagi ng katawan.Nang matiyak na napuruhan ang target ay tumakas na ang maskaradong suspek.

vuukle comment

BAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with