Mga pamilyang nilindol binigyan na ng bahay
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - February 25, 2020 - 12:00am

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Isinagawa kahapon ang ceremonial turn-over ng housing units sa unang batch na mga benepisyaryo ng pamilyang naapek­tuhan ng lindol nitong nakalipas na 2019 sa Brgy. Ilomavis, dito sa lungsod.

Ayon kay City Mayor Joseph Evangelista, 20 na bahay ang unang ipatatayo ng LGU at ng National Housing Authority (NHA) para sa unang mga benepisyaryo mula sa Purok 7, Sitio Agco, Barangay Ilomavis, Kidapawan City na isa sa mga lugar na idineklarang high risk area dahil sa banta ng landslide.

Nasa P30 milyon ang ginastos ng city government na ibinili ng lupa bilang relocation site ng mahigit sa 1,700 pamilya mula sa Sitio Sayaban, Brgy. Perez, Brgy. Balabag at Brgy. Ilomavis.

Nagkakahalaga ng abot sa P289,000 ang isang bahay na ibibigay ng libre para sa mga benepisyaryo. Mahigpit na ipinagbabawal sa mga benepisyaryo ang pagbebenta ng nasabing bahay. Maaari naman itong ayusin o palakihan basta nakabatay lamang sa National Building Code at dapat na sumunod sa “One House-One Family” policy ng pamahalaan.

Bukod sa pagiging residente ng mga high risk area, dapat ay rehistradong botante ng barangay ang mga benepisyaryo at napapabilang sa Community Based Monitoring System na listahan ng barangay.

BAHAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with