^

Probinsiya

Higit 900 baboy na may ASF, ibinaon

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Higit 900 baboy na may ASF, ibinaon
Tinukoy ni Provincial government Spokesman Romeo Santos ang mga bayan ng Quezon, Quirino, Mallig, Aurora, Roxas, San Manuel, Gamu, Cordon at Jones na tinamaan ng ASF outbreak kasunod ng isinagawang pagsusuri ng Provincial Veterinary Office at Department of Agriculture nitong nakaraang Linggo.
AFP/File

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines — Mahigit 900 na baboy na positibo sa epi­demya ng African Swine Fever (ASF) ang isinailalim sa culling o pagpatay mula sa 9 na apektadong bayan sa Isabela kamakalawa.

Tinukoy ni Provincial government Spokesman Romeo Santos ang mga bayan ng Quezon, Quirino, Mallig, Aurora, Roxas, San Manuel, Gamu, Cordon at Jones na tinamaan ng ASF outbreak kasunod ng isinagawang pagsusuri ng Provincial Veterinary Office (PVO) at Department of Agriculture (DA) nitong nakaraang Linggo.

Dahil sa epidemya, ini­utos ni Isabela Governor Rodolfo Albano III ang lockdown ng swine livestock    sa mga apektadong bayan.

Matatandaan noong mga unang linggo ng Peb­rero ay may 77 na baboy na nakitaan ng ASF ang pinatay at dinispatsa sa Quirino at Mallig. Ang pagpatay sa mga baboy ay sinaksihan ni Provincial Administrator Noel Lopez at mga kinatawan ng DA at PVO.

Ani Santos, naglabas ng P2,500 si Gov. Albano para sa bawat baboy na maililig-pit dahil sa ASF bilang tulong pinansiyal sa mga namatayan na hog raisers.

Nitong Biyernes, iniabot ni Albano ang P727,500 cash assistance sa mga hog growers sa San Ma-nuel na may pinakamaraming nakatay at inili-bing na baboy.

vuukle comment

AFRICAN SWINE FEVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with