^

18 dawit sa ‘investment scam’ pinaaaresto

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2020 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Pinaaaresto na ng korte ang nasa 18 katao na nag-ooperate ng umano’y “pyrami-ding money market scheme” sa ilalim ng Alabel-Maasim Credit Cooperative na sinasangkot sa malawakang investment scam sa Sarangani.

Ang arrest warrant ay inilabas ng Regional Trial Court Branch 46 sa Alabel, Sarangani nitong nakaraang linggo at ang kopya ay nakuha ng media nito lamang Sabado.

Ang 18 na nahaharap sa kasong syndicated estafa ay kinabibilangan nina Jerson Cagang, Conrado Mancao, Tirso Cereno, Juanito Jhon Castillo, Benigno Cereno, Albert Cagang, Fe Cagang, Ailene Mancao, Roshine Cereno, Jason Baybay, Liezel Vilan, Ivy Caparos, Calixto Bana-ay, Marlyn Tulio, Diana Ferry Sope, Anni Joy Dela Cruz, Marlon Marvin Lim at Eustaquio Hocson, na sinasabing nasa likod ng operasyon ng ALAMCCO na isang investment outfit.

Ang warrants laban sa mga akusado ay ibinigay na sa iba’t ibang himpilan ng pulisya sa Region 12 at Bangsamoro provinces.

Ang 18 ALAMCCO operators ay sinampahan ng kaso dahil sa ‘di pagbibigay ng 35 porsyentong tubo sa mga perang inilagak ng kanilang libu-libong investors.

Nabatid na nagsara ang ALAMCCO matapos na ipinahinto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kontro-bersiyal din na Kappa investment racket ni Pastor Joel Apolinario.

INVESTMENT SCAM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with