2 BIFF todas sa encounter
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napatay ng tropa ng pamahalaan ang dalawang kilabot na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na itinuturing ding mga drug suspects sa inilatag na ope­rasyon sa liblib na lugar ng Brgy. Lipao, Datu Paglas, Maguindanao kamakalawa.

Sa ulat kay Maj. Gen. Diosdado Carreon, pinuno ng  6th Infantry Division ng Philippine Army(PA), inilatag ng pinagsanib na puwersa ng PA 40th-Infantry Battalion, Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at Buluan Municipal Police ang operasyon laban sa mga suspek dakong alas-6:50 ng umaga.

Nagkabakbakan sa  lugar dahil sa pagkaka­paslang ng dalawang mi-yembro ng BIFF na pinamumunuan ni Kumander Grasscutter, sub-leader ng BIFF na nagtutulak ng ili­gal na droga sa lalawigan.

Bagama’t nakatakas si Grasscutter, dalawa sa mga kasamahan nito na wala  pang pagkakakilanlan ang nasa­wi matapos marekober ang kanilang mga bang­kay sa clearing opera­tions sa lugar. Narekober din ang M14 rifle, M16 rifle, ban­doliers at mga magazines sa pinangyarihan ng kanilang bakbakan. 

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with