^

Probinsiya

Magbababoy sa North Cotabato lugi na ng P100 milyon dahil sa ASF

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Tinatayang nasa P100 milyon na ang nalulugi ng mga hog raisers sa North Cotabato makaraang ipatupad na ang lockdown sa mga swine at pork products sa ilang bahagi ng Mindanao dahil sa African Swine Fever (ASF) outbreak.

Ayon sa isang kumpanya ng feeds na may sangay sa Kidapawan City, nasa libu-libong alagang baboy ang hindi nila mailuwas sa Visayas, partikular sa Leyte, Samar, Cebu at Bohol dahil sa ipinatutupad na lockdown.

Samantala, tiniyak ni City Veterinarian Dr. Eugene Gornez, DVM sa lahat ng consumers na ligtas kainin ang mga karne ng baboy na ibinebenta sa mega  market ng Kidapawan.

Ayon kay Gornez, duma­an sa city slaughterhouse at certified ng kanilang opisina ang karne ng baboy na itinitinda sa mega market. Puwede rin aniyang magbenta ng karne ng baboy ang mga meat shops basta’t sinertipikahan ito na ligtas kainin ng National Meat Ins­pection Service. Bagama’t wala umanong epekto ang ASF sa tao, mas mainam pa rin na sa mega market o mga meat shops na sertipikado ng ASF bumili ng ligtas na karne ng baboy. 

vuukle comment

AFRICAN SWINE FEVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with