^

Probinsiya

2 Indian-looking dedo sa road mishap

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
2 Indian-looking dedo sa road mishap
Pinaniniwalaang nagkaaberya ang sinasak­yan ng dalawang biktima kaya sumalpok ito sa multicab. Nagkayupi-yupi ang sasakyan ng mga biktima.
STAR/ File

NORTH COTABATO, Philippines -  Nasawi ang dalawang lalaki na Indian-looking nang sumalpok ang kanilang sinasakyan sa nakaparadang multicab sa highway ng Purok Dos sa Brgy. Katipunan, Arakan, lalawigang ito kahapon ng tanghali.

Patuloy na inaalam ng pusliya ang pagka­kilanlan ng dalawang biktima na agad nasawi sa insidente at isang batang nasugatan. 

Sa inisyal na ulat, dakong alas-12 ng tanghali habang nakahinto lamang sa tabi ng kalsada ang multicab nang salpukin ng sasakyan ng mga Indian-looking national na may plakang VJJ 711.

Pinaniniwalaang nagkaaberya ang sinasak­yan ng dalawang biktima kaya sumalpok ito sa multicab. Nagkayupi-yupi ang sasakyan ng mga biktima.

Mabilis namang sumaklolo ang mga tauhan ng Call 911 ng lungsod ng Davao na mas malapit sa pinangyarihan ng aksidente. Nailigtas naman ang isang bata na naipit sa nasabing sasakyan. Agad na inialis sa pagkakaipit ang mga biktima at isinugod sa pinakamalapit na ospital ang mga sugatan. 

vuukle comment

ARAKAN

INDIAN NATIONAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with