^

Probinsiya

10-anyos natagpuang patay sa burol

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
10-anyos natagpuang patay sa burol
Ang biktima ay kinilala ng mga awtoridad na si Kaycee Sabor­nido Oabel, 10-anyos at residente ng Brgy. Ilayang Alsam, Tayabas City.
STAR/ File

TAYABAS, Philippines — Bangkay na nang matagpuan ang isang babaeng Grade 5 pupil na hinihinalang ginahasa saka pinatay sa tuktok ng isang burol sa Tayabas City, Quezon kahapon ng umaga.

 Ang biktima ay kinilala ng mga awtoridad na si Kaycee Sabor­nido Oabel, 10-anyos at residente ng Brgy. Ilayang Alsam, Tayabas City.

Batay sa ulat ng Tayabas City Police, pasado alas-10:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa magubat na bahagi ng tuktok ng burol sa Brgy. Ilayang Alsam. Mismong ang kanyang tiyuhin na si Marvin Sabornido, na isa ring barangay tanod ang nakadiskubre sa bangkay ng biktima.

Nabatid na si Oabel ay huling nakitang buhay sa paalaran dakong alas-5:00 ng hapon noong Pebrero 19 ngunit hindi na nakauwi ng kanilang tahanan.

 Kaagad naman hinanap ang bata ngunit patay na nang matagpuan sa burol.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng pagkamatay ng bata at kung ginahasa ng mga ‘di kilalang salarin.

vuukle comment

KAYCEE SABOR­NIDO OABE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with