Pintor nakuryente, hulog sa overpass
SOUTH COTABATO, Philippines — Isang 28-anyos na pintor ang nasawi makaraang makuryente at mahulog habang nagpipintura sa overpass sa Koronadal City, dito sa lalawigan kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Koronadal City Police Investigator Staff Sergeant Lyndel Villaflor ang biktima na si Vince Mark “Miko” Bitchayda, binata at nakatira sa Brgy. Lapuz, Norala, South Cotabato.
Ayon kay Villaflor, si Bitchayda ay nahulog sa may 15 metrong taas na overpass sa Alunan Avenue pasado alas-4:00 ng hapon. Ito ay matapos makuryente umano sa livewire habang nagpipintura sa overpass ang biktima.
Si Bitchayda ay agad dinala sa South Cotabato Provincial Hospital pero kinumpirma ng isang nurse na siya ay idineklarang dead-on-arrival sa isang ospital sa Davao City dahil sa matinding pinsala sa kanyang ulo.
- Latest