^

Probinsiya

177 pamilyang nasunugan sa Bocaue, inayudahan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

BOCAUE, Bulacan, Philippines —  Bumuhos ang mga ayuda ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa may 177 pamilyang nasunugan noong Pebrero 11 dahil sa naiwang sinaing sa nasabing bayan.

Pinangunahan ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang nasabing pamamahagi kung saan tiniyak niya ang mabilis na pagbabalik sa normal ng nasabing mga pamilya na katumbas ng 522 na indibidwal.

Ayon kay Sen. Go, ang mga batang mag-aaral ng pamilyang nasunugan ay pagkakalooban ng libreng uniporme upang agad na makabalik sa pag-aaral. Iba pa riyan ang pagkakaloob ng araw-araw na suplay ng pagkain habang pansamantalang nanunuluyan sa bagong gawang Bocaue Evacuation Center, na ilang metro lamang ang layo mula sa munisipyo. May ibinigay rin na mga groceries mula sa tanggapan ng senador upang mapunan ang mga nasunog na mga pangunahing pangangailangan gaya ng mga personal effects.

Bukod rito, ang P5,000 na tulong pinansiyal ng Department of Social Welfare and Development (DWSD), ayon kay Regional Director Marites Maristela ng DSWD- Region III ay ipagkakaloob sa bawat pamilyang nasunugan sa Brgy. Antipona. May ibinigay rin na P10,000 halaga ng mga livelihood assistance ang Department of Trade and Industry (DTI) sa ilalim ng Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PBG) program.

Ayon kay Asst. Regional Dir. Zorina Aldana ng DTI-Region III, ipinagkakaloob ang PBG sa mga pamilya o indibidwal na nakaranas o naging biktima ng iba’t ibang uri ng kalamidad. Maaaring gamitin ang tinanggap na livelihood assistance sa pagsisimula ng isang sari-sari store, bigasan, barberya, massage service, e-load services, kakanin, siomai stand o kaya naman ay barbecue stall.

Ayon naman kay Engr. Ramon Paragas na manager ng NHA-Bulacan, ang mga nasunugan ay maaaring tumanggap ng P30,000 upang maipangbili ng mga materyales sa muling pagbubuo ng nasirang bahay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with