Sinubukan pang isugod ng rescue team ng bayan sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital pero idineklarang patay ang biktimang si Danilo Padua Ortega, residente ng Palm Village,Purok-2 ng nasabing barangay.
STAR/File
Principal lasog sa SUV
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2020 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang 52-anyos na school principal matapos na mabangga at makaladkad pa ng sumusunod na SUV sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Purok-1, Brgy. Travesia, Guinobatan, dito sa lalawigan kahapon ng hapon.

Sinubukan pang isugod ng rescue team ng bayan sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital pero idineklarang patay ang biktimang si Danilo Padua Ortega, residente ng Palm Village,Purok-2 ng nasabing barangay.

Sa pahayag ni Capt. Dexter Panganiban, ta­ga­pagsalita ng Albay Police, dakong alas-2:40 ng hapon magkasunod na binabagtas ang highway ng motorsiklo (EA-42861) ng biktima at ng Suzuki Vitara na kulay light gray na minamaneho ng hindi nakila-lang driver. Gayunman, nabangga ng SUV ang motorsiklo ng biktima na nakaladkad pa saka tumilapon at humampas ang katawan ni Ortega sa nakaparada sa kabilang kalye na Fuzo truck (CA-15897) na minamameho ni Hanjie Pasague Maniego, 32, ng Brgy. Ubang, Capalonga, Camarines Norte.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with