20 ektaryang pine forest nasunog
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — May 20 ektaryang pine forest ang nasunog sa kabundukan sa ikatlong araw na wildfire sa Brgy. Ambasador, Tublay, Benguet mula pa noong Miyerkules.

Ayon kay Fire Officer 2 Arnold Coy-on ng Bureau of Fire Protection Tublay isa pang bahagi sa kabundukan ng Brgy. Ambassador ang naiu­lat na umapoy kahapon (Biyernes) na noon ay pinuntahan ng kanilang puwersa sa hindi pa natukoy na Sitio matapos matanaw ang makapal nitong usok mula sa malayo.

Aniya, ang dalawang firetrucks ng Tublay ay tinutulungan ng tig isang firetrucks mula Baguio City, La Trinidad at sa BFP Regional Office upang maapula ang kumakalat na apoy. 

Isa sa mga hinihinalang sanhi ng sunog na nagsimula sa Sitio Nalseb ay ang pagsasagawa ng kaingin at pagtatapon ng upos ng sigarilyo.

Samantala,  nanawagan sa mga mamamayan si Leandro de Jesus ng Community Environment and Natural Resources Office sa Baguio City na maging mapagmatyag sa mga nangyayaring akti­bidad sa kabundukan na malimit pagmulan ng apoy tulad ng kaingin at pag­lalaro ng posporo at pagtatapon ng sigarilyo. 

Nito lamang nakaraang Linggo, 150 ektaryang kagubatan ang naabo kasunod ng 9 na araw na forest fire sa Kabayan, Benguet malapit sa pamosong Mt. Pulok na ka­muntik madamay sa sunog.

FIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with