‘Tulak’ timbog sa P6.8 milyong shabu
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2020 - 12:00am

CAVITE, Philippines — Nasa isang kilong shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon ang nasamsam habang isang drug suspect ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng PDEA-Regional Office IV-A at Tagaytay Police sa isang condominium unit sa Brgy. San Jose, Tagaytay City kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Suwaib Minalang, 37-anyos, tubong Marawi, Lanao del Norte at residente ng #509 Cityland Prime Residences sa Brgy. San Jose ng nasabing lungsod. Siya ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dange-rous Drugs Act of 2002.

Sa ulat, dakong alas-12:30 ng hapon nang ikasa ng mga awtoridad ang buy-bust laban sa suspek at isang operatiba ang nagsilbing poseur buyer. Sa loob ng condo unit kung saan pansamantalang tumutuloy ang suspek, isinagawa ang transaksyon. Nang magpositibo ang drug deal, dito na lumusob ang kasamahan ng buyer at dinakma ang suspek na hindi nakapalag.

Narekober dito ang may 1,000 gramo ng sha­bu na nakalagay sa isang malaking plastic bag na aabot sa halagang 6.8 milyong piso, drug money at buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Ayon sa pulisya, dati nang naaresto ang suspek noong 2018 sa kaso ring droga.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with