^

Probinsiya

Camarines Sur ‘red alert’ sa ASF

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Isinailalim na sa red alert status ang buong Camarines Sur matapos maitala kama-kalawa ang unang kaso ng African swine fever o ASF sa lalawigan makaraang magpositibo sa sakit ang mga nanga-matay na baboy sa Brgy. Sto. Domingo, Bombon.

Sa ulat ni Rodel Tor­nilla, regional director ng Department of Agriculture sa Bicol, noong Pebrero 10 ay rumesponde ang binuo nilang Regional Quick Response Team (RQRT) for animal disease and emergencies sa napaulat na swine mortality sa nasabing barangay at lumabas sa pagsusuri ng Bureau of Animal Industry sa Quezon City na positibo sa ASF ang mga kinuhang samples. Ito ang pinakaunang kaso ng ASF sa buong Bicol region.

Bilang chairman ng provincial disaster risk reduction management council ay agad umaksyon ang opisina ni Gov. Miguel Luis Villafuerte at simula alas-6 ng gabi noong Huwebes ay isinailalim ang buong lalawigan sa red alert status upang pigilan ang pagkalat ng virus. Inatasan lahat ng ma-yor, barangay officials at kanilang disaster risk reduction management council na i-activate na ang kanilang emergency operation center at mag-lagay ng mga checkpoint sa lahat ng entry at exit points sa mga bayan at lungsod.

Inatasan din ng go­ber­nador ang lahat ng magbababoy, backyard o commercial raisers man na maglagay ng mga istriktong antas ng pag-aalaga at sumunod maging ang publiko sa ipinatutupad na pag-iingat at disinfection.

vuukle comment

AFRICAN SWINE FEVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with