^

Probinsiya

Dealer ng gulay na HVT tiklo sa ‘damo’

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Nueva Vizcaya, Philippines – Isang lalaki na dealer ng gulay na itinuturing na high value target dahil sa pagtutulak ng marijuana ang nasakote ng mga otoridad sa isinagawang drug bust operation sa bayan ng Bambang, Nueva Vizcaya, kamakalawa. Ang natimbog na suspek ay kinilalang si Jan Louie Mamaril, 27, isang vegetable dealer at residente ng Brgy. Macate, Bambang, Nueva Vizcaya. Ang nasabing operasyon na isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng Bambang PNP, Nueva Vizcaya Police Office sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency sa rehiyon ay nagresulta sa pagka-dakip ni Mamaril sa loob ng Nueva Vizcaya Agricultural Terminal (NVAT), sa Brgy. Almaguer North, Bambang dakong ala-1:30 ng hapon. Nakuha sa suspek ang tatlong heat sealed transparent sachets na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana; 1 brick type cartoon na naglalaman din ng pinatuyong marijuana; 1 hand grenade at 1 pulang SYM scooter na pinaniniwalaang ginagamit ng suspek sa kanyang transaksyon.

vuukle comment

DEALER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with