^

Probinsiya

2-anyos tinangay ng adik, nasagip

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

BUKIDNON, Philippines — Nailigtas ng mga ope­ratiba ng pulisya ang isang 2-anyos na batang babae sa bigong pagdukot ng isang biyudo na hinihinalang bangag sa droga sa Purok 13, Poblacion, Valencia City, Bukidnon nitong Mi­yerkules ng umaga.

Ang nasagip na bata ay itinago sa pangalang Agatha ng Purok 1, Brgy. San Isidro ng lungsod habang ang suspek ay nakilalang si Eric Cabrejas, 47-anyos, walang hanapbuhay, residente ng Purok 1, Brgy. Violeta, nasabi ring siyudad.

Sinabi ni Lt. Col. Silvestre Asiong Jr., spokesman ng Bukidnon Police, alas-9:15 ng umaga habang nag­lalaro sa terrace ng kanilang bahay ang biktima nang lapitan ng suspek at binigyan ng kendi saka sinunggaban.

Mag-isa ang bata dahil iniwan pansamantala ng ina habang nag-aalmusal upang kumuha ng tubig sa kusina para painumin ang anak.

Paglabas ng ina, wala na si Agatha sa terasa at paglingon nito ay kitang-kita niya ang suspek na bitbit ang kanyang anak habang tumatakbong palabas ng kanilang bakuran. Dito nagsisigaw ang ginang sa paghingi ng saklolo na mabuti na lamang at may napadaang nagpapatrol-yang mga pulis na agad hinabol ang suspek.

Nasukol ng mga pulis ang suspek at ma­tagumpay na nabawi ang bata.

Sa presinto, sinabi ng suspek na napagtripan lamang niyang kidnapin ang bata dahil wala umano siyang makatabi sa pagtulog at may diperensya siya sa pag-iisip na hinihinala namang epekto ng droga.

vuukle comment

ERIC CABREJAS

SILVESTRE ASIONG JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with