^

Probinsiya

Shootout sa checkpoint: Parak, 1 pa utas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Shootout sa checkpoint: Parak, 1 pa utas
Masusing sinisiyasat ng mga operatiba ng SOCO ang sasakyan na ginamit ng limang armadong lalaki na nakipagbarilan sa mga awtoridad sa isang checkpoint na ikinasawi ng isang pulis at isang suspek sa Libertad, Misamis Oriental kamakalawa ng gabi.
Gerry Lee Gorit

MISAMIS OCCIDENTAL, Philippines — Patay ang isang pulis at isa sa limang armadong lalaki na hinihinalang mi­yembro ng sindikatong kriminal habang isa pa sa mga operatiba ang nasugatan sa shootout sa checkpoint sa bayan ng Libertad, Misamis Oriental nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ni Police Regional Office (PRO) 10 Director Police Brig. Gen. Rolando Anduyan ang nagbuwis ng buhay na parak na si Police Staff Sergeant Ronald Caayupan. 

Ang nasawing suspect na napaslang sa operasyon matapos na manlaban  ay nakilala namang si Jephon Fabriga Penangisan, 33 taong gulang ng Ozamis City habang nasakote naman ang kasamahan nito na si Richard Perez ng Sitio Mahayahay, Brgy. Bangkal, Lapu-Lapu City, Cebu.

Bandang alas-8:20 ng gabi habang nagsasagawa ng checkpoint ang mga pulis sa Taytayan Bridge sa kahabaan ng national highway Poblacion sa Barangay Dolong ng nabanggit na bayan ng dumaan ang kulay puting Mitsubishi Mirage na may plakang VOG 805.

Huminto naman ang mga suspect sa checkpoint subali’t agad nilang pinagbabaril ang mga pulis na nasa checkpoint na ikinamatay ni Caayupan at ikinasugat naman ng isang pulis na siya ring nakapatay sa  suspect na si Penangisan.

Tumagal ng limang minuto ang palitan ng pu­tok sa checkpoint bago tumakas  ang apat na suspect na tumalon  sa tulay.

Gayunman, nadakip din sa follow-up operation ng mga awtoridad si Perez makaraang magtamo ng pilay dahil sa pagtalon sa tulay sa kasagsagan ng putukan.

Patuloy namang pinaghahanap ang tatlo pang nakatakas na mga kasamahan nito.

vuukle comment

ROLANDO ANDUYAN

RONALD CAAYUPAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with