Kinilala ang nasawing biktima na si Evelyn de la Peña Dollier na nagtamo ng matinding sugat sa pagkarit sa leeg nito na halos lumalay sa insidente at mga saksak sa katawan.
STAR/ File
Biyuda kinatay ni kuya
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 19, 2020 - 12:00am

LANAO DEL NORTE, Philippines — Dahil lamang sa alitan sa bigas, kinarit sa leeg at pinagsasaksak hanggang sa mamatay ang isang 46-anyos na biyuda ng nakatatanda nitong kapatid na lalaki sa Brgy. Labuay, Maigo, Lanao del Norte kamakalawa.

Kinilala ang nasawing biktima na si Evelyn de la Peña Dollier na nagtamo ng matinding sugat sa pagkarit sa leeg nito na halos lumalay sa insidente at mga saksak sa katawan.

 Kinilala ang suspek na si Nolly dela Peña, 60-anyos na nahaharap sa kasong pagpatay sa sariling kapatid. Siya ay nasakote ng pulisya ilang sandal matapos siyang tumakas.

 Sa report ni Col. Rene Solidarios, provincial director, dakong alas-10:30 ng umaga nang magkaroon ng pagtatalo ang magkapatid dahil sa hindi patas na hatian ng bigas na madalas nilang pag-awayan sa kanilang tahanan sa Purok 3, Brgy. Labuay. Gayunman, sa tindi ng galit ng matandang kuya ay tinagpas nito ng matalim na karit sa leeg at pinasasaksak pa nito ang nakababatang kapatid na babae na duguang humandusay sa sahig.

EVELYN DE LA PEñA DOLLIER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with