^

Probinsiya

Binata patay sa ‘fraternity hazing’ sa Sorsogon

Philstar.com
Binata patay sa �fraternity hazing� sa Sorsogon
Agad rumesponde ang mga pulisya ngunit idineklara ring patay si Omer Piolino Despabiladeras, first year criminology student ng Solis Institute of Technology.
Mula sa Facebook ni Omer Despabiladeras

Manila, Philippines — Isang 23-anyos na Criminology student ang dead-on-arrival sa bayan ng Bulan, Sorsogon dahil diumano sa initiation rites ng isang kapatiran.

Ayon sa ulat ng "Unang Balita" ng GMA, pasado alas-sais ng gabi nang itimbre ng isang nurse sa pulisya ang binatang na isinugod sa Pantaleon Gotladera Memorial Hospital dahil sa pinagdaanang fraternity hazing sa Sitio Banase, Barangay San Vicente Bulan, Sorsogon noong linggo. 

Agad rumesponde ang mga pulisya ngunit idineklara ring patay si Omer Piolino Despabiladeras, first year Criminology student ng Solis Institute of Technology.

Nagawa pang maisugod sa ospital si Despabiladeras ng mga miyembro ng fraternity na sina Rembrandt Pane Gerolao at Ulysis Bello Berania ngunit ‘di rin nagtagal ay tuluyan nang nawalan ng buhay ang biktima dahil sa natamong bugbog.

Sa imbestigasyon, bandang alas-diyes nang umaga nang magsagawa ng initiation rites ang mga miyembro ng Tau Gamma Phi-Bulan Chapter.

Bumagsak ang katawan ng biktima, na isa pa lang “pledgee,” bandang alas-kwatro ng hapon sa gitna ng hazing.

Nagka-hematoma, o pamumuo ng dugo, sa kaniyang hita, likuran at iba pang bahagi ng katawan ang biktima na posibleng naging dahilan ng pagkamatay nito. Tatlo sa 16 na baguhang kasama niya ang dinala rin sa ospital.

Samantala, ang isa pang estudyante na si Alfredo Gonia ay patuloy na ginagamot sa Sorsogon Provincial Hospital. 

Patuloy din ang mga otoridad sa pagsisiyasat sa mga taong dapat managot sa insidente.

Ang dalawang naghatid kay Despabiladeras sa ospital ay kasalukuyang hawak ng Bulan police.

Ayon sa Republic Act 11053, o Anti-Hazing Act of 2018, iligal at pinarurusahan ng batas ang pisikal at sikolohikal na pananakit sa mga "recruit, neophyte, applicant o miyembro" na naglalayong makapasok o maipagpatuloy ang pagiging kasabi ng isang organisasyon at kapatiran. 

Maaaring humarap sa parusang reclusion perpetua, o hanggang 40 taong pagkakakulong, at multang aabot ng P3 milyon ang mga nagplano't sumama sa paghe-haze kung nauwi sa kamatayan, rape, atbp. ang initiation. — Philstar.com intern Krizzia Mae Furio

vuukle comment

HAZING

INITIATION RITES

SORSOGON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with