^

Probinsiya

Criminology stude patay sa hazing!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Criminology stude patay sa hazing!
Isinugod pa ng mga “ka-brod” sa Pantaleon Gotladera Memorial Hospital pero idineklarang dead-on-arrival ang biktimang si Omer Piolino Despabiladeras, binata, ng ‘di pa tinukoy na pamantasan at residente ng Brgy. Zone-4 ng nasabing bayan.
File

2 fratmen arestado

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Patay ang isang 23-anyos na criminologoy student matapos mabugbog nang husto sa pinagdaanang initiation rites sa pinasukang fraternity sa Sitio Banase, Brgy. San Vicente sa Bulan, Sorsogon noong Linggo.

Isinugod pa ng mga “ka-brod” sa Pantaleon Gotladera Memorial Hospital pero idineklarang dead-on-arrival ang biktimang si Omer Piolino Despabiladeras, binata, ng ‘di pa tinukoy na pamantasan at residente ng Brgy. Zone-4 ng nasabing bayan.

Sa ulat, dakong alas-6 ng gabi, tuma­wag sa istasyon ng pulisya si Marinila Hubilla, isang nurse at sinabing may isinugod na biktima ng hazing sa kanilang ospital. Agad rumesponde ang mga pulis at inabutang patay na si Despabiladeras.

Sa imbestigasyon, alas-10 ng umaga nang simulang isailalim sa initiation rites ng mga kasapi ng Tau Gamma Phi Fraternity-Bulan Chapter ang biktima bilang “pledgee” pero biglang hinimatay bandang alas-4 ng hapon dahil sa sobrang hirap mula sa tinamong mga bugbog sa katawan.

Agad na isinugod ang biktima sa ospital nina Rembrandt Pane Gerolao at Ulysis Bello Berania na kabilang sa fraternity pero hindi na umabot nang buhay.

Nagtamo umano ng hematoma ang biktima sa dalawang hita, likod at sa iba’t ibang bahagi ng katawan sanhi ng kanyang kamatayan.

Hawak na ng Bulan Police sina Gerolao at Berania habang patu-loy na inaalam ang iba pang sangkot sa hazing. 

vuukle comment

HAZING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with