^

Probinsiya

Binatilyo hulog sa bangin

Cesar Ramirez - Pilipino Star Ngayon
Binatilyo hulog sa bangin
Kinilala ng Pangasinan Police Office ang biktima na si John Marbert Capito, 16-anyos, Grade 11 student at residente ng Dagupan City.
File

PANGASINAN, Philippines — Isang binatilyo ang nasawi nang mahulog sa bangin habang nagbibisikleta sa Daang Kalikasan sa Barangay Muelang, bayan ng Mangatarem kamakalawa.

Kinilala ng Pangasinan Police Office ang biktima na si John Marbert Capito, 16-anyos, Grade 11 student at residente ng Dagupan City. Sa paunang pagsisiyasat, binabagtas ng binatilyo ang natu-rang kalsada sa bulubunduking lugar ng bayan at nang sumapit sa matarik na bahagi ay nawalan ng preno ang kanyang bisikleta sanhi upang mawalan ng kontrol sa manibela at dire-diretso sa bangin.

Isinugod pa ang biktima sa isang pagamutan subalit idineklara ng dead-on-arrival. Bunsod sa aksidente, pansamantalang isinara sa publiko mula kahapon ang naturang daan.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with